Manila, Philippines – Posibleng bago matapos ang Setyembre o sa unang bahagi ng Oktubre ay maglabas na ng rekomendasyon si Committee on Economic Affairs Chairman Senator Win Gatchalian.
Kaugnay sa mga hirit na isuspendi ang pagpapatuloy ng implementasyon sa 2019 ng dagdag buwis na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Ayon kay Gatchalian, ito ay kung magtutuloy tuloy ang pagtaas ng presyo ng karne, gulay, bigas at iba pang importanteng bilihin.
Base sa TRAIN law, sa susunod na taon ay may karagdang buwis ang nakatakdang ipataw sa produktong petroyo.
Sabi ni Gachalian, magpapatuloy ang regular na pagdinig ng kanyang komite ukol sa tumataas na inflation rate at koneksyon dito ng TRAIN law upang matukoy nilang mabuti ang nararapat na hakbang.