Manila, Philippines – Iginagalang ng panig ng gobyerno ang naging negatibong reaksyon ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison kaugnay ng naudlot na namang pagbabalik ng peace talks sa June 28.
Sabi ni Sison, indikasyon ito na hindi seryoso ang administrasyong Duterte sa pakikipag-usap sa National Democartic Front.
Pero sabi ni Presidential Adviser On The Peace Process Jesus Dureza – malaya ang sinuman na magpahayag ng kanyang opinyon.
Nauna nang nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi muna matutuloy ang usapang pangkapayapaan.
Nakausap daw mismo niya si Sison at sinabing hindi pa siya handa para ituloy ang peacetalk ngayong Hunyo.
Facebook Comments