Manila, Philippines – Nangangamoy away ngayon sa Korte Suprema sa pagitan ng dalawa nilang mahistrado.
Ito ay makaraang sitahin at kwestyunin ni SC Senior Associate Justice Teresita Leonardo de Castro si SC Chief Justice Ma. Lourdes Serreno dahil sa ilan nitong desisyon na hindi umano aprubado ng lahat ng mga mahistrado.
Dahil dito inapela ito ni de Castro sa pamamagitan ng memorandum na kanyang ibinigay sa SC nuong July 10.
Kabilang sa mga kinekwestyon ni de Castro ay ang pagtatalaga ni Serreno kay Atty. Brenda Jay Mendoza bilang pinuno ng Philippine Mediation Center of the Philippine Judicial Academy (PhilJA) na wala umanong approval ng iba pang mahistrado.
Sinabi pa ni de Castro na ang appointment kay Mendoza ay hindi rin inendorso ng Philja na isang paglabag sa court’s administrative rules.
Isa pa sa kinuwestyon ni de Castro ay ang arbitrary decision ng punong mahistrado na nagaapruba sa pagpapalabas ng court funds bilang travel allowance ng kanyang mga staff na walang pag sang-ayon ang korte.
Hirit pa ni de Castro sa kanyang 5 pahinang memorandum na nagkakaroon ng pagka antala sa pagpupuno ng mga bakanteng posisyon sa korte suprema kabilang dito ang 2 posisyon para sa assistant court administrator.