IRR ng Anti-Terrorism Law, tatalakayin ng DOJ ngayong araw

Magpupulong ngayong araw ang team ng Department of Justice (DOJ) para talakayin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, magkakaroon ng ‘brainstorming’ at aalamin ang mga probisyon sa batas na kailangan ng IRR.

Sinabi rin ni Guevarra na kokonsultahin nila ang legal team ng Office of the President, maging ang secretariat ng Anti-Terrorism Council (ATC).


Naging epektibo aniya ang batas hatinggabi noong July 18 o 15 araw matapos mailathala ang batas sa Official Gazette website noong July 3.

Para naman kay Solicitor General Jose Calida, naging epektibo ang batas noong July 22 o 15 araw matapos matapos itong mailathala sa print Official Gazette noong July 6.

Wala aniyang probisyon sa batas na nagbabawal na ipatupad ito kahit wala pang IRR pero mayroong ilang probisyon kung saan ang detalye at panuntunan nito ay kailangang nakasaad sa IRR.

Sa ngayon, aabot na sa 16 na petisyon ang inihain sa Korte Suprema na humahamon sa legalidad ng batas.

Facebook Comments