IRR ng COVID-19 vaccination program, pinamamadali nang matapos

Pinatatapos na ni House Economic Stimulus and Recovery Cluster Co-Chair at Albay Representative Joey Salceda sa Department of Health (DOH), National Task Force (NTF) at Government Procurement Policy Board (GPPB) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act.

Ito ay para mapabilis na ang pagtulong ng private sector sa pamahalaan para sa vaccination program.

Apela ni Salceda, gawing simple at makatwiran ang procurement rules at hindi ito dapat mahaluan ng anumang “unnecessary restrictions”.


Giit ni Salceda, sa bawat araw na hindi pa nailalabas ang rules sa vaccine procurement ng mga private sector ay mas lalong nawawalan ng panahon para mapigilan ang pagkalat ng impeksyon.

Hindi na aniya dapat pinatatagal ang IRR at dapat nakahanda na ito bago pa man sana naaprubahan ang batas.

Sinabi pa ni Salceda na hindi na kakayanin ng “circuit-breaker measures” at ng panibagong restrictions ang napakataas na kaso ngayon ng COVID-19.

Facebook Comments