21 na overseas Filipino, panibagong tinamaan ng COVID-19 sa abroad

21 pang Pilipino sa ibayong dagat ang na-infect ng COVID-19.

Bunga nito,umaabot na sa 16,006 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng virus.

Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 5,257.


2 naman ang bagong gumaling sa sakit kaya ang total recoveries na sa hanay ng mga overseas Filipino ay 9,702.

Wala namang Pinoy na panibagong binawian ng buhay sa COVID-19 sa ibayong dagat.

Bunga nito, ang total deaths ay nananatili sa 1,047.

Facebook Comments