IRR ng NTC sa Cellphone Number Act “consumer-friendly” – Sen. Gatchalian

 

Ikinalugod ni Senator Sherwin Gatchalian ang inilabas na implementing rules and regulation o IRR ng National Telecommunications Commission (NTC) para sa Republic Act 11202 o ang Mobile Number Portability Act.

 

Base sa IRR, ayon kay Gatchalian, naging malinaw naman sa IRR ang mga pre-requisites for porting, ang terms of the time periods for cutover maging ang porting process.

 

Kabilang si Gatchalian sa masigasig na nagsulong sa Senado ng panukalang batas na layon mapanatili ng mga subscriber ang kanilang mobile phone numbers kahit mag-subscribe pa sila sa ibang networks.


 

Siya kasi ang Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs.

 

Nakasaad din sa batas na hindi na sisingilin ang subscriber para sa kanyang ‘other network calls and texts.

 

Ani Gatchalian, “consumer-friendly” ang nabuong IRR.

 

“With this, mobile number portability is finally within the reach of every Filipino,” ayon sa senador.

 

Layunin ng Senate Bill No. 1237 o MNPA na mas maging madali ang pagpapalit ng service provider ng mga subscriber.

 

Kahit na magpalit ng network ay hindi mapapalitan ang cellphone number.

 

Maari lamang mareject ang consumer sa aplikasyon para sa MNPA kung mayroon itong outstanding financial obligation sa donor provider at court order na nagpapahinto sa mobile number porting.

 

Ang Pilipinas ang ikaapat na bansa sa Southeast Asia na magpapatupad ng MNPA kasunod ng Singapore, Malaysia at Thailand.

Facebook Comments