IRR para sa free tuition sa State Universities and Colleges, ilalabas na ng CHED sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Ilalabas na sa susunod na buwan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa free college education law sa State Universities and Colleges (SUC’s).

Ito ang inihayag ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan, sa senate finance subcommittee budget hearing.

Ayon kay Licuanan, inaasahan na nilang magkakaroon ng formal approval ng IRR ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST) board para sa ilalabas na guidelines ng naturang batas.


Posible aniyang umabot sa limampung (50) bilyong piso ang kailanganin para sa libreng matrikula pero kailangan pang maghanap ng pondo.

Facebook Comments