3 patay nang makalanghap ng nakalalasong gas sa loob ng tunnel sa Placer, Surigao Del Norte

3 patay nang makalanghap ng nakalalasong gas sa loob ng tunnel sa Placer, Surigao Del Norte. Kinilala ang mga namatay na sina Angelo Nunez Alontaga, 35 taong gulang, Ryan Montenegro Elacion, 35 taong gulang at Freddie Viola Basilio, 20 taong gulang, pawang residente ng Brgy. Magsaysay, Placer. Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng RMN, ang 3 ang nagta-trabaho sa tunnel sa isang small scale mining na pagmamay-ari at pinondohan ni Martin Gesta. Diumano’y noong Setyembre 19 pinasok ng mga biktima ang tunnel sa may bukiring bahagi ng Sitio Layab, Brgy. Ellaperal at hindi na nakalabas pa at hinhinalang nakalanghap ng nakalalasong gas. May nag-iisang nakaligtas sa pangyayari, ang kasamahan na isang Jonathan Cutamora, 29 taong gulang. Tinukoy na hindi kaagad naireport sa mga otoridad ang pangyayari dahil isang isla ang pinangyarihan at mahigit isang oras pa ang biyahe mula sa poblacion sa bayan ng Placer. Ang mga bangkay ng tatlong biktima ang dinala sa isang punerarya sa bayan ng Taganaan at nakatakdang isailalim sa autopsy. Sina Gesta at Cutamora ang iniimbestigahan ng PNP Placer sa pangyayari.

Facebook Comments