Mariing iminungkahi ng mga konsehal mula sa Mayorya na kinabibilangan nila Coun. Mejia, Coun. Reyna-Macalanda, Coun. Coquia, Coun. Malou, Coun. Alfie, Coun. Celia at Coun. Irene ng Dagupan City ang mga “irregularities” umano na naganap noong regular session na may kaugnayan sa agarang pagkakapasa ng annual budget at matagal ding naging mainit na talakayin sa lungsod.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Coun. Dada, marami umanong mga paglabag tulad ng pagpabilang ng Draft Resolution ukol sa Annual Budget na hindi naman kasali sa agenda at tanging dalawang resolution naman sa araw na iyon ang dapat na talakayin. Dagdag pa nito na patapos na ang session ng isingit ang usaping pagpapasa ng budget at wala na ring nagawa ang Majority dahil apat lamang ang nakasama sa kanila, habang ang tatlo pang konsehal ay on leave.
Ayon naman kay Coun. Mejia, makailang beses din umano siyang nagpapa recognized upang magpahayag ng kanyang opinion at objections bagamat hindi umano ito pinapakinggan ng presiding officer.
Binigyang diin ng mga konsehal na hindi tutol ang mga ito sa pag-apruba ng annual budget bagamat ilang mga kinakailangan at mahalagang dokumento ay hindi umano maibigay ng executive branch para tuluyang magamit na ang pondo para sa mga Dagupeño.
Samantala, hinihintay naman ng mga ito ang opinyon na mula naman sa ahensyang DILG AT DBM upang mapag-aralan ang kanilang susunod na hakbangin kaugnay dito.
Kinakailangan umano na bantayan ang pondo sa mga paglalaanang nitong programa upang masiguro na mapupunta ito sa nararapat na serbisyo para sa bawat Dagupeno. |ifmnews
Facebook Comments