Nagkasundo ngayon ang International Rice Research Institute o IRRI at ang Nagoya University sa Japan na palakasin ang kanilang kooperasyon sa larangan ng pananaliksik at edukasyon sa produksyon ng palay.
Layunin ng IRRI at Nagoya University na makabuo ng strategic alliance para pabilisin ang paghahatid ng innovative research, makalikha ng scientific capacity na magpapabilis sa pag unlad sa Asia.
Malaking hamon ngayon sa IRRI at Nagoya University na harapin ang hamon ng lumalaking bilang ng populasyon, ang unti-unting pagkaubos ng suplay ng tubig at lupang agrikultural, ang kawalan ng interes ng nakababatang henerasyon na yakapin ang gawaing pagsaka at ang epekto ng climate change.
Facebook Comments