Sa darating na Huwebes, January 10, magpapalabas ng suplay ng tubig ang National Irrigation Administration (NIA) sa mga lupang sakahan sa mga lalawigan ng Pampanga at Bulakan.
Ayon kay NIA Bulacan Manager Larry Ballesteros, tinatayang nasa 26 na libo na mga lupang sakahan sa Bulacan at ilang lugar sa Pampanga ang makikinabang sa ipalalabas na irrigation water supply.
Partikular na makikinabang nito ang mga magsasaka sa lalawigan ang mga nasa malalapit sa Bustos Dam kung saan kumukunekta sa mga mga irrigation canal ang ilang lupang sakahan sa Pampanga.
Sa ika-labin lima ng Mayo ang itinakdang cut-off period ng NIA sa pagpapalabas ng suplay ng tubig pang-irigasyon sa mga nabanggit na lalawigan.
Huling araw ng Oktubre ng nakalipas na taon nang itigil muna ang suplay ng tubig sa lugar para bigyang daan ang isang proyektong pang-agrikultura doon.