Pagbibigay ng ayuda para sa mga magsasaka sa Bicol Region na sinalanta ni Usman, pinasimulan na

Aabot sa P3.2 million halaga ng gamit sa bukirin at makinarya ang naipinagkaloob na ng Department of Agriculture (DA) sa may 1,000 magsasaka sa Bicol Region na sinalanta ni bagyong Usman.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Pinol, bahagi lamang ito sa kabuuang 28,714 na magsasaka na target na mabigyan ng pautang at financial assistance ng DA na P5,000.

Aniya, naglaan na ang DA ng P3.4 billion para sa mga magsasaka na nawalan ng income dahil sa pagkasira ng may 31 libong ektarya ng bukirin bunga ng pagbaha at landslide.


Bukod dito, tiniyak din ng kalihim na bibigyan sila ng libreng binhi ng palay at mga gulay.

Base sa pagtaya ng DA, nasa P596 milyon losses ang naitala sa sektor ng agrikultura sa Bicol Region.

Pinakamalala na naapektuhan ang mga rice farmers na umabot sa P514 million losses o 16,331 metric tons ng palay.

Habang nasa P27 million naman ang losses sa pananim na mais at high-value crop growers na nalugi din ng halos P40 million.

Facebook Comments