iRUN for Taal para sa mga Biktima ng Pagsabog ng Bulkan, Inorganisa ng Probinsya ng Isabela

39

*Cauayan City, Isabela*- Nakatakdang isagawa sa 29 ng Enero ang iRUN for Taal bilang bahgai ng pagdiriwang ng Bambanti Festival sa buong Lalawigan ng Isabela.

Ayon kay Isabela Youth Officer Reymel Resposo, ito ay upang makalikom ng pondo para sa tulong sa mga apektadong pamilya ng Bulkang Taal sa Batangas.


Dagdag pa ni Ginoong Resposo, maliban sa masaganang biyaya ng probinsya sa mga naaaning palay kaya’t naisipan na isa sa mga highlight event ang pagdaraos ng nasabing pagtakbo para sa biktima ng Bulkang Taal.

Inaasahan naman na makakalikom ng mas maraming pondo ang Lalawigan ng Isabela upang patuloy na tulungan ang mga volcanic eruptions victim.]

Facebook Comments