ISA ANG PATAY, 4 ANG NAHULI SA OPERASYON SA ILLEGAL NA DROGA SA SURIGAO CITY

ISA ANG PATAY, 4 ANG NAHULI SA OPERASYON SA ILLEGAL NA DROGA SA SURIGAO CITY
Isa ang patay, apat pang suspek ang nahuli nang isagawa ang operasyon sa illegal na droga sa Surigao City.
Kinilala ang namatay na si Ferdinand Jumandos Gonzaga alias Inan, 37 taong gulang, pinaghihinalaang drug pusher at naninirahan sa P. Reyes St., Brgy. Taft dito sa lunsod. Sa inisyal na imbestigasyon ng City PNP, isang buybust operation ang isinagawa sa suspek na si Gonzaga habang sakay ito ng kulay gray/black na Ford ranger, may plate number IP 0236 sa P. Reyes St. nakahalata itong ang ka-transaskiyon sa illegal na droga ang isang pulis, pinahahuhurot nito ang sasakyan. Isang habulan ang nangyari hanggang sa binaril na lamang ng mga otoridad ang gulong ng sasakyan sa Brgy. Cagniog, kaya bumaligtad. Nakatamo ng iilang gasgas at sugat si Gonzaga kaya isinakay ng mga pulis sa patrol car para ipagamot sana sa Caraga Regional Hospital.
Habang nasa daan at sa loob ng patrol car, diumano’y inagaw ni Gonzaga ang baril ng mga pulis kaya pinaputukan ito. Dinala pa ito sa Caraga Regional Hospital ngunit idineklarang dead on arrival. Ayon naman sa Chief of Police ng Surigao City, Supt. Jay Baybayan, ang namatay ang nasa target watchlist ng PNP, diumano’y drug pusher.
Sa follow up operation na isinagawa ng PNP sa pamamahay ni Gonzaga sa P. Reyes St. nahuli ang pinaghihinalaang courier sa illegal na droga, kinilalang sina Danny Espejon, 30 taong gulang, Irish Llorca, 27 taong gulang, Ellen Russel Balo, 20 taong gulang at Jerafel Martinez, 19 taong gulang. Sa operasyon kay Gonzaga at 4 pang suspek, nakuha ang 12 sachet sa pinaghhinalang shabu o may market value na P35,400, tatlong .45 kalibre ng baril, isang granada, iilang bala at drug paraphernalias.

Facebook Comments