Isa ang patay sa sunog sa Maynila

Manila, Philippines – Isa ang kumpirmadong patay sa naganap na sunog sa isang gusali ngayong umaga sa Sta.Cruz, Maynila.

Ganap na alas-10 ng umaga nang magsimula ang sunog sa pinakataas ng gusali ng Diamond Tower na matatagpuan sa Masangkay Street malapit sa Saint Stephen School sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, isang matanda ang na-trap sa sunog at hindi na nagawa pang makalabas dahil sa mabilis na paglaki ng apoy at usok.


Nailabas naman ang isang bata at yaya na kasamang na-trap sa gusali ngunit ang matanda ay hindi na umano nailabas pa.

Napag-alaman na nagsimula ang sunog sa mismong unit ng
biktima.

Nakita pa umano ang matanda na kumakaway na tila humihingi ng saklolo ngunit hindi na nagawang mailabas pa ng gusali.

Mabilis namang rumisponde ang mga fire volunteer at umabot lamang sa ikalawang alarma at naapula ang sunog ganap na alas 10:57 ng umaga.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng Manila Bureau of Fire Protection (MBFP) ang insidente at iniinspeksyon pa ang bahagi ng nasunog na gusali upang makumpirma kung ilan ang casualty at kong sinu-sino ang mga ito.

Kaugnay nito, pinalabas na rin lahat ang mga estudyante ng nasabing paaralan upang hindi na mapahamak pa sa naganap na sunog.

Facebook Comments