Isa katao sugatan sa pagsabog ng ied sa Tacurong City

73

Mindanao, Philippines- Isa katao ang naitalang sugatan sa pagsabog ng
improvised explosive device kaninang umaga sa Tacurong City. Dakong alas
8:30 ng maganap ang pagsabog malapit sa VMC Clinic and Hospital tabi lamang
ng Sultan Kudarat Electric Cooperative of SUKELCO.

Ayon sa report mula kay PNP 12 spokesman Police Supt. Romeo Galco na bago
ang insidente isang lalaki umano na dipa nakikilala ang bigla na lamang
naghagis ng IED patungo sa direksyon ng naturang electric cooperative na
agad namang sumabog.

Kinilala ng PNP ang sugatang biktima na si Janice Alacdo Barote, 34 anyos,
isang Turon vendor at residente ng Purok Sampaguita, Brgy. New Carmen ng
nasabing lungsod na nagtamo ng sharpnel wounds sa katawan na agad namang
isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Nabatid na kasalukuyan um,anong nagkakaroon ng open forum ang mga personnel
ng nasabing electric cooperative ng maganap ang pagpapasabog. Patuloy
parin hanggang ngayon ang ginagawang imbistigasyon ng mga otoridad sa
naganap na insidente.

Facebook Comments