P-Duterte, nawawala na sa sarili – ayon kay Sen. De Lima

1710

Manila, Philippines –  Wala na sa katwiran at wala na sa kanyang pagiisip si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ganito isinalarawan ni Senator Leila De Lima si PangulongRodrigo Duterte kasunod ng patuloy at tumitinding nitong banat sa media at salahat ng kanyang mga kritiko.


Malinaw ayon kay De Lima na ang pangunahing katangian ngating pangulo ay kawalan ng kakayahang tumanggap sa mga puna at ang paninisi saiba maliban sa kanyang sarili.

Giit ni De Lima, bakit hindi pagbuntunan ng sisi ni PangulongDuterte kanyang asal at ang sycophants na nakapaligid sa kanya.

Mensahe pa ni de lima kay Pangulong Duterte, ayusin munanito ang sarili at kanyang bakuran bago makipag away sa sinuman.

Facebook Comments