Isa mga suspek sa unang pagsabog sa Quiapo, Maynila – iniharap sa media; tatlo pang kasamahan nito, patuloy pa ring pinaghahanap

Manila, Philippines – Iniharap sa media ang isa sa mga suspek sa pagpapasabog sa Quiapo, Maynila noong Abril 28 na ikinasugat 13 katao.

Ayon kay Manila Police District Dir. Police Chief Supt. Joel Coronel, naisalang na rin nila si Abel Macaraya, 35 anyos sa inquest proceeding para sa mga kasong multiple attempted murder at illegal possession of firearms and explosive.

Naaresto si Macaraya sa kanilang bahay sa P. Casal St., Quiapo, Maynila noong Mayo 4, 2017 at hindi naman lumaban sa mga pulis.


Tinutugis pa rin ang tatlo pang kasama ng suspek na sina alyas Saro, na tinuturong gumawa ng improvised bomb, isang Ali Moro at Raymond Mendoza na nagbalik sa pagiging Islam.

Bukod sa mga nasabing suspek, mayroon pang ibang hindi pa napapangalan na pinaghahanap na ngayon ng MPD.

Dagdag pa ni Coronel, kahit itinuturing ng case solved ang insidente ay hindi pa rin tuluyang maisasara ang kaso hangga’t hindi pa nahuhuli ang mga suspek.

DZXL558

Facebook Comments