Manila, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang paglikha ng Philippine Airport Development Corporation Act o PADC, kung saan ang ibang tungkulin ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ay ililipat dito.
Ang PADC ay magsisilbing airport authority na titiyak sa mabilis na pagsasaayos ng mga air transport facilities at services.
Plano din na i-abolish ang ibang tanggapan sa pamamahala sa mga international airports katulad ng Manila International Airport Authority, Clark International Airport Corporation, Subic Bay Metropolitan Authority Airport Department at Mactan-Cebu International Airport Authority.
Ang PADC na ang siyang solong hahawak ng operating powers ng mga international airports.
Layunin ng panukala na pagbuo ng PADC na maiwasan ang conflict of interest, mapalakas ang airport operations, at matiyak ang efficiency sa serbisyo sa mga paliparan.
Sa ganitong paraan ay maipo-promote din ang Pilipinas na mag-uumpisa sa mga airports sa bansa.