Isa na Namang DI, Kusang Sumuko sa Luna

Luna, Isabela – Isang Drug Identified o DI ang sumuko kamakailan sa isinagawang oplan tokhang sa barangay Mambabanga, Luna,Isabela.

Ayon kay Municipal Executive Senior Police Officer (MESPO) SPO4 Meliton de Leon Adsuara Jr. ng PNP Luna, kusang sumuko nitong nakaraang Lunes, Pebrero 5, ang DI na isang mekaniko,23 anyos, binata at residente rin ng nasabing barangay.

Batay pa sa report na ibinahagi ni MESPO Adsuara Jr. sa RMN Cauayan, naging kasama sa grupo ng tokhang ang ilang opisyal at miyembro ng PDEA, IPPO at BADAC.


Idinagdag pa ng nasabing opisyal na lahat umano ng mga sumukong DI ay sasailalim sa drug test at Community Based Rehabilitation Program o CBRP.

Matatandaang una ng inihayag sa RMN Cauayan ng hepe ng PNP Luna na si PSI Reynaldo Viernes na limang DI na lamang ang kinakailangan nilang tokhangin mula sa labindalawa nasa kanilang listahan.

Facebook Comments