Isa na Namang Drug Personality, Natimbog

Ballesteros, Cagayan – Isa pang miyembro ng local drug group ng Cagayan ang natimbog ng pinagsamang puersa ng PDEA, Ballesteros PS, 17th IB Army Troopers at NBI.

Sa impormasyong nakalap ng 98.5 DWKD RMN News Team mula sa tanggapan ng PDEA Region 2, hinalughog ng mga operatiba ang tahanan ng isang Crisley Eslabon y Battung, 38 anyos, may asawa, driver at residente ng Cabuluan East, Ballesteros, Cagayan kahapon ng hapon, Setyembre 10, 2017.

Nakuha sa paghahalughog ang tatlong (3) piraso ng heat-sealed transparent sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang granada, isang Norinco cal 45 pistol na may isang magazine at sampung (10) bala.


Inihahanda na ang kasong isasampa sa suspek batay sa paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013 habang ang naaresto ay kasalukuyan nang naghihimas ng bakal na rehas.

Facebook Comments