Isa na namang Filipino domestic worker sa Hong Kong ang tinanggal sa trabaho ng kanyang employer matapos na magpositibo sa COVID-19.
Unang narinig ng kaniyang amo si alyas Merriam na umuubo kaya ito ay isinailalim sa antigen test kung saan nagpositibo ito sa virus.
Agad na pinagbalot ng kanyang mga gamit ang 38-anyos na Pinay domestic worker at binayaran ng employer ng isang buwang sweldo.
Agad din na nagpa-book ng plane ticket ang employer para sa pag-uwi sa Pilipinas ni alyas Merriam.
Ang naturang Overseas Filipino Worker (OFW) ay may 5 anak at noong November lamang dumating sa Hong Kong para magtrabaho.
Tiniyak naman ng Philippine Overseas Labor & Office (POLO)-Hong Kong na patuloy ang pagbibigay nila ng ayuda sa OFWs doon na naaapektuhan ng ika-limang wave ng COVID-19.