ISA NANAMANG LOKAL DOCU SHORTFILM ANG IREREPRESENTA NG PANGASINAN FILMMAKERS SA BANSANG USA, ALAMIN

Isang prestigious film fest ang isasagawa ngayon nalalapit na June 18 hanggang June 25 ngayong taong 2023. Ang aktibidad na ito ay isa sa pinakamalaking students film festival sa buong mundo na tinatawag na Student World Impact Film Festival na gaganapin sa bansang Amerika.
Isang documentary short film na may title na “Ilalon Ag Nibalikas” o Unspoken Hope ay kabilang sa filmfest na nabanggit. Ayon sa direktor na si Christian Ramoso, ang docu film na ito ay patungkol sa buhay ng isang guro na 25 years ng itinuon ang kaniyang pagtuturo para sa mga deaf students sa isang paaralan sa Dagupan City. Dagdag niya, naniniwala siyang may positibong maidudulot ang film na ito sa society at upang makita rin ng mga tao ang tagumpay at kakayahan ng bawat deaf students na mapapanood sa nasabing docu film.
Si Direk Christian Ramoso at buong Youthcaster Production Team ay isa sa mga mahuhusay na filmmakers sa ating probinsya. Suportahan natin ang ating mga kababayan para sa nalalapit na film festival. |ifmnews

Facebook Comments