Isa pang bakuna kontra COVID-19, nadiskubre ng Russian firm na Gamaleya

Isa pang bakuna sa nadagdag sa listahan ng mga bakuna sa buong mundo na magagamit panlaban sa COVID-19.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ito ay ang single-dose na Sputnik Light COVID-19 vaccine na gawa ng Russian firm na Gamaleya.

Batay sa Russian Direct Investment Fund (RDIF), ang Sputnik Light ay nagpapakita ng 79.4 percent efficacy kumpara sa 91.6 percent ng dalawang dose ng Sputnik V.


Hinihintay naman ng FDA sa pagsusumite nito ng aplikasyon sa bansa upang magamit na karagdagang bakuna sa mga Pilipino.

Facebook Comments