Pangulong Duterte, handang suwayin ang payo ng doktor para sa nais na face-to-face sa publiko

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagustuhan nitong makalabas at makipagkita sa publiko ng face-to-face sa kabila ng banta ng COVID-19 sa kalusugan nito.

Sa Talk to the People ng Pangulo kagabi, sinabi nito na igigiit niya ang kagustuhang makalabas sa kabila ng payo ng kaniyang doktor na hindi ito posible.

Handa naman umano ang pangulo na bawian ng buhay kapag nakipagkita sa mga Pilipino at sinabing si Vice President Leni Robredo ang papalit sa kaniya.


Maliban sa Barrett’s esophagus at Buerger’s disease na kasalukuyang kondisyon ng Pangulo, matatandaang una nang nilinaw ng malakanyang na wala itong anumang sakit at nananatiling “fit and healthy” sa kabila ng kaniyang edad na 76.

Facebook Comments