Isa pang bangkay na pinaniniwalaang Pinoy, kinukumpirma pa ng Philippine Embassy sa Israel

Nagpapatuloy ang ginagawang verification ng embahada ng Pilipinas sa Israel para matukoy kung pinoy ang isa pang nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel.

Sa press briefing sa Malacañang iniulat ng Philippine Embassy sa Israel na isasailaim pa sa DNA testing ang bangkay ng isang indibiwal na hinihinalang Pilipino para makumpirma ang nationality nito.

Sa ngayon, dalawa ang kumpirmadong nasawi at batay sa ulat ng Philippine Embassy sa Israel isa rito ay 33 taong gulang babae, may asawa na tubong Pangasinan at anim na taon nang nagtatrabaho sa Israel.


Habang ang isang nasawi ay lalaki, may asawa, tubong Pampanga at dalawang taon nang nagtatrabaho sa Israel.

Sa ulat pa ng embahada, namatay ang isang pinoy matapos pagbabarilin kasama ang kanyang amo nang mapasok sila ng mga miyembro ng Hamas at isa naman ay posibleng nasawi sa pamamaril o tinamaan ng bomba na pinasabog ng Hamas.

Ayon pa sa embahada, namatay ang dalawa sa unang araw nang pagtake ng Hamas sa Israel.

Sa ngayon nakikipag ugnayan ang embahada sa Israel authorities sa pagkuha ng bangkay ng dalawang pinoy para maiuwi sa Pilipinas.

Facebook Comments