Solicitation para mangalap ng donasyon gamit ang pangalan ni Sec. Herbosa, pinabulaanan ng DOH

Pinabulaanan ni Health Secretary Ted Herbosa na mayroon siyang mga tao na inutusan para magsagawa ng solicitation kapalit ng mga proyekto sa Department of Health (DOH).

Ito ay sa gitna ng mga ulat na nakarating sa DOH na may mga gumagamit ng pangalan ng kalihim para manghingi ng donasyon.

Ayon sa DOH, walang sinuman ang inutusan si Herbosa para magsagawa ng solicitation.


Sakaling daw mayroong mga makaranas nito, maaaring magreport sa DOH Hotline platforms.

Mananatili namang confidential ang impormasyon ng magsusumbong habang ihahanda naman ng DOH ang patung-patong na kaso sa sinumang gumagamit sa pangalan ni Herbosa.

Facebook Comments