Isa pang barko ng Philippine Navy ideneploy na rin para magdala ng mga relief goods

Bumiyahe na ang isang barko ng Philippine Navy para maghatid ng relief goods para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Siargao.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WESMINCOM) Spokesperson Major Andrew Linao, alas-2:14 ng umaga nang maglayag ang BRP Ivatan (LC-298) mula sa Zamboanga City.

Bitbit nito ang 7,000 food packs, kumot, kulambo at bath towel mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 9.


Maging ang mga gamot, hygiene kits, face mask, at tent mula sa Department of Health (DOH) Region 9.

Siniguro naman ni AFP WESMINCOM commander Lieutenant General Alfredo Rosario Jr., na lahat ng tauhan nila ay nakahandang tumulong sa Local Government Units (LGUs) sa pamimigay ng relief goods, pagsasagawa ng rescue operations at clearing operations.

Facebook Comments