Isa pang batalyon ng Philippine Marines, idineploy sa patuloy na bakbakan sa Marawi

Manila, Philippines – Idineploy ngayon sa Marawi City ang isang batalyon pa ng Philippine Marines bilang karagdagang-pwersa ng gobyerno.

Mahigit 400 opisyal at miyembro ng marine battalion 7 ang nag-martsa kanina umaga sa grounds ng Villamor air base para sa kanilang send-off ceremony.

Ayon kay Capt. Ryan Lacuesta, Director ng Philippine Marines Public Affairs Office – ang naturang tropa ay ipinadala sa Marawi City upang tumulong sa pagpuksa sa isis-supporters na maute group na naghasik ng kaguluhan sa lungsod.


Kabilang ang 391 na enlisted officers, at 17 opisyal ng marine battalion 7 na lumipad, sakay ng tatlong C-130 airplanes.

Diretso ang mga tropa sa western mindanao command sa cagayan de oro city, at doon sila bibiyahe patungong marawi city.

Ang naturang battalion ay kagagaling lamang sa retraining sa headquarters ng marines sa Taguig at sa marine base sa Ternate, Cavite.

Aabot na sa tatlong battalion ng marines ang nasa Marawi City sa ngayon.
DZXL558

Facebook Comments