Ilang sports analyst, kumbinsidong Warriors ang mananaig sa NBA finals

Manila, Philippines – Kumbinsido ang ilang eksperto na Golden State Warrior ang mananaig kontra Cleveland Cavaliers sa championship ng nba finals na magsisimula bukas.

Sa interview ng San Francisco chronicle kay Jeff Van Gundy, batikang sports broadcaster at dating NBA head coach – hindi papawisan ang Warriors sa kanilang serye pero hindi ito magtatapos sa sweep.

Naniniwala naman ng sports columnist ng charlotte observer na si Scott Fowler na baka ma-sweep pa ito ng Warrior – at malabo din anya na maging dikit ang serye.


Samantala – hindi naman nagpapaapekto ang defending champion Cavaliers kahit bansagan silang underdog sa pangatlong beses na paghaharap nila ng Warriors.

Ayon kay Lebron James –hindi na mahalaga ang pagiging dehado nila matapos na idagdag ng warriors si Kevin Durant sa kanilang koponan.

Inihalimbawa nito ang nangyari noong nakaraang taon kung saan abot-kamay na ng Warriors ang kampeonato dahil sa 3-1 lead sa best of seven finals pero nagawa pang itong habulin ng Cavs at nakamit ang kampeonato.

DZXL558

Facebook Comments