Isa pang batch ng illegal Chinese POGO workers, pina-deport pabalik ng China

36 illegal Chinese Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers ang pina-deport ngayong gabi patungo ng Nanning City, China.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ito na ang ikatlong batch ng mga Chinese deportees.

Pawang naka-plastic handcuffs ang mga Chinese deportee habang sakay ng bus patungong NAIA 1 kanina.


Ang naturang Chinese nationals ay otomatiko nang blacklisted sa Pilipinas.

Ayon kay PAOCC Usec. Guilbert Cruz, awtomatiko ring ikukulong ang 36 pagdating ng China.

Facebook Comments