Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na 200 Locally Stranded Individuals (LSIs) pa ang pinayagan nilang makauwi ngayong araw sa Visayas Region.
Mula sa Port Area sa Maynila, ihahatid sa Tagbilaran, Bohol ang mga LSI sakay ng BRP Tubbataha, BRP Cape Engaño, BRP Lapu-lapu at BRP Francisco Dagohoy.
Kahapon, may libu-libong LSI ang pinauwi rin ng PCG sa malalayong lalawigan ng Luzon, Visayas at Mindanao matapos ideklarang negatibo sa COVID-19.
Base sa datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of Overseas Filipino Workers, mula June 12 hanggang July 3, umabot na sa 37,035 returning OFWs ang nag-negatibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR Test).
Facebook Comments