Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City – Drug free na ang bayan ng Sta Praxedes, Cagayan.
Ito ay matapos na ideklara ng Regional Oversight Committee (ROC) on Barangay Drug Clearing Program ng Rehiyon 2 ayon sa impormasyong nakuha ng RMN Cauayan News buhat kay PRO2 Police Community Relation Chief PRO2 Police Community Relation Chief PSupt Chevalier Iringan.
Kasama rin ng naturang bayan na nadeklarang drug free ay ang limang barangay ng Rizal at dalawang barangay ng Enrile, Cagayan.
Ito ay ang mga barangay ng Anagguan, Illuru Sur, Mabbang, Poblacion at Lattut ng Bayan ng Rizal, Cagayan.
Samantalang ang dalawang barangay ng Magalalag West and Batu of Enrile, Cagayan ay nakasama sa mga drug free barangay.
Sa kabuuan ay 17 na mga barangay ang naging drug free na kung isali ang sampung barangay ng Sta Praxedes.
Ginawa ang joint declaration ng Regional Oversight Committee (ROC) Chairman at PDEA Regional Director Laurefel Gabales kasama si PRO2 Regional Director, PCSupt Jose Mario Espino.
Sa naging talumpati ni Ginoong Andrew Vincent Pagurayan na kumatawan kay Gobernador Manuel Mamba bilang pangunahing bisita sa naunang pagkakadeklara sa mga barangay ng Enrile at Rizal ay kanyang kinilala ang mga barangay sa kanilang nakamit kasabay ng pagpapaalala sa hamon na mapanatili ang kanilang estado bilang drug free.
Kanya pang sinabi na ang nakamit ng mga barangay ay magiging ehemplo ng mga iba pang barangay, munisipyo, probinsiya at maging sa buong bansa.
Ang pagkakadeklara sa bayan ng Sta Praxedes bilang drug free at ng iba pang mga barangay ay batay sa atas ng Dangerous Drugs Board (DDB) partikular ng Section 8, DDB Board Regulation No. 3 Series of 2017 o mas kilala sa bansag na “Strengthening the Implementation of the Barangay Drug-Clearing Program”.