Isa pang Bayanihan 3 Bill, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ang isa pang panukala para sa pagkakaroon ng Bayanihan 3.

Sa ilalim ng House Bill No. 8059 o ang ‘Bayanihan to Rebuild As One Act’ na inihain nila House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Economic Stimulus Response Package Chairperson Sharon Garin, at House Ways and Means Committee Chairman Joey Sarte Salceda, aabot sa P247 billion ang ipinalalaan na alokasyon para sa muling pagbangon ng ekonomiya at emergency response at aid sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay Salceda, co-chair ng House Economic Stimulus and Recovery Cluster, layon ng panukalang batas na ito na matiyak na ang national at local government units ay makakilos at makabangon sa harap ng epekto ng mga nagdaang bagyo at mabagal na recovery sa third quarter ng taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Maglalaan din sa ilalim ng Bayanihan 3 ng pondo para sa procurement ng COVID-19 vaccine na aabot sa P20 Billion.

Naniniwala si Salceda na kailangan ang ikatlong stimulus program upang maiwasan ang lubhang na pagkalugmok ng ekonomiya ng bansa.

Una nang naghain ng kanyang bersyon ng Bayanihan 3 si Marikina City Representative Stella Quimbo na House Bill No. 8031 kung saan P400 billion ang ipinalaaan na alokasyon para sa economic recovery mula sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments