Isa pang Chinese firm na binilhan din ng pandemic supplies ng PS-DBM, pinapa-blacklist at pinapakasuhan ng tax evasion

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pamahalaan na i-blacklist at kasuhan ng tax evasion ang Xuzhou Construction Machinery Group.

Giit ni Drilon, hindi na dapat payagang makapagnegosyo sa bansa ang Xuzhou dahil sa hindi pagbabayad ng income tax at iba pang buwis at paglabag sa National Internal Revenue Code.

Lumabas sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na na P2.23 billion pesos na halaga ng kontrata ang ini-award sa Xuzhou ng Procurement Service of the Department of Budget and Management o PS-DBM.


Nabatid din sa pagdinig na ang Xuzhou ay walang business permit sa Pilipinas, hindi nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) at hindi rin accredited importer ng Bureau of Customs (BOC).

Paliwanag naman ng kinatawan ng Xuzhou na si Robin Han, nakabase sila sa China at wala silang opisina dito sa Pilipinas bukod sa hindi rin sila direktang importer at PS-DBM umano ang nag-handle ng kanilang mga clearances.

Facebook Comments