Isa pang compound sa Muntinlupa City, isinailalim sa Extreme Localized Community Quarantine

Isinailalim na rin sa 15 araw na Extreme Localized Community Quarantine (ELCQ) ang Unira Compound sa Sto. NiƱo, Brgy. Tunasan sa Muntinlupa City.

Ang rekomendasyon ng Muntinlupa City Health Office, ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Magsisimula ito ngayong araw hanggang alas-12:00 ng tanghali sa Setyembre 13, 2021.


Nagkasa na rin ng mass swabbing testing sa compound upang malaman ang bilang ng nahawaan ng sakit habang mahigpit na ipinatutupad dito ng Muntinlupa PNP ang total lockdown measures upang walang makalabas na residente.

Namahagi naman ang City Social Service Department katuwang ang barangay ng mga food packs at iba pang pangangailangan ng mga residente.

Ito na ang ika-11 compound sa lungsod ng Muntinlupa na isinailalim sa ELCQ.

Facebook Comments