Isa pang illegal underground clinic para sa mga Chinese na may COVID-19, nadiskubre sa Makati City!

109

Isa na namang underground hospital para sa mga Chinese na hinihinalang may COVID-19 ang nadiskubre ng pulisya sa Makati City.

Ayon kay Makati Police Chief Colonel Oscar Jacildo, walang permit para mag-operate ang Goldstar Medical Clinic and Pharmacy Corp. sa San Antonio Village.


Arestado sa operasyon ang 49-anyos na Chinese doctor na si David Lai at assistant nitong si Bruce Liao na napag-alamang hindi lisensyado para manggamot sa Pilipinas.

Narekober sa clinic ang rapid test kits, swab sticks, vials, syringes at iba’t bang uri ng gamot na may Chinese labels at hindi rin rehistrado sa Food and Drugs Administration (FDA).

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek habang susuriin ng Makati City Health Office ang apat na pasyenteng Chinese na nadatnan ng mga pulis sa clinic.

Facebook Comments