Pagsaludo ni Radyoman sa mga bayani ng bayan ni Juan

29

Isa na namang bayani sa bayan ni Juan ang binigyang-pugay dahil sa sipag at dedikasyon nito sa trabaho bilang isa sa mga frontliner.

Ito ay si Realyn Bedes na isang street sweeper mula sa Barangay Sauyo, Quezon City na pitong taon nang nagtatrabaho para mapanatili ang kalinisan sa barangay.


Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Mrs. Bedes na sa kabila ng malaking posibilidad na mahawa siya sa COVID-19, tinitiyak pa rin niyang ligtas ang kanyang pamilya sa pakikisalamuha niya sa mga ito lalo pa’t lagi siyang lumalabas.

Katulad ni Mrs. Bedes, isa ring frontliner ang kanyang asawa na nagtatrabaho naman sa isang ospital bilang maintenance.

Magkatuwang silang kumakayod para mapunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya ngayong umiiral ang community quarantine dahil sa COVID-19.

Facebook Comments