Isa pang kadete ng PMA namatay

Nasawi sa sakit na cancer ang isa pang miyembro ng Philippine Military Academy.

 

Ito ang kinumpirma ni PMA Spokesperson Capt. Cherryl Tindog.

 

Kinilala ang namatay na kadete na si Cadet 2nd class Cedrick gadIa na nasawi sa sakit na Esophageal Cancer, stage 4.


 

Sinabi ni Tindog pumanaw ang kadete ala-singko kinse kaninang umaga sa AFP Medical Center.

 

Unang na-admit si Gadia sa Fort Del Pilar Station Hospital noong august 29 at inilipat sa Maynila noong September 5.

 

Maliban sa cancer, nakitaan din si Gadia ng Metastasis sa kaniyang atay at baga.

 

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng PMA sa pagpanaw ni Cadet Gadia.

 

Isinasaayos na lamang ang pag-uuwi sa labi ni Gadia sa kanilang tahanan sa Candon, Ilocos Sur mula sa AFP Medical Center.

 

Siniguro ng pma na magbibigay sila ng tulong  sa naiwang pamilya ng yumaong kadete.

Facebook Comments