Baron Geisler, magiging daddy na!

1039
Image from IG/Baron Geisler

Tatay ang bagong papel ng aktor na si Baron Geisler – hindi sa teleserye pero sa totoong buhay.


Kinumpirma ito mismo ni Geisler nang ibahagi niya sa social media ang ultrasound result ng kabiyak na si Jamie Marie Evangelista.

Batay sa sonogram, babae ang magiging kasarian ng sanggol.

Nakatakdang ipinanganak ang una nilang supling sa February 2020 at papangalang Talitha Cumi.

Hiling ni Geisler sa netizens, parenting tips at prayers para sa mabuting kalusugan at kaligtasan ng kaniyang mag-ina.

“Thank You Lord for this priceless blessing and answered prayer. Love you Jamie Marie!” bahagi ng caption ng dating kontrabida sa “Ang Probinsiyano”.

Matatandaang nagpakasal sina Baron at Jaime sa huwes noong Setyembre 13.




Taong 2018 nang magkakilala ang dalawa sa isang rehabilitation facility sa Cebu City.

Facebook Comments