Isa pang kongresista, binawi na rin ang co-authorship sa ABS-CBN franchise bill

Binawi na rin ng isa pang kongresista ang kanyang suporta at co-authorship para sa panukala na pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN Corporation.

Sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability, inihayag ni Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Paduano na bumibitaw siya sa pagiging isa sa mga may-akda ng House Bill No. 3173 na naglalayong bigyan ng 25-taon prangkisa ang media giant.

Ayon kay Paduano, naging “eye-opener” para sa kanya ang nagdaang 12 pagdinig kung saan natalakay ang iba’t ibang isyu na ipinupukol sa ABS-CBN.


Humingi ng paumanhin si Paduano kay Parañaque City Rep. Joy Tambunting, ang pangunahing may-akda ng House Bill No.3173, at maging sa mga opisyal ng Lopez-led broadcast company sa ginawa nitong pagbawi sa kanyang suporta at pagiging may-akda.

Matatandaan na naunang bumitaw bilang may-akda ng panukala para sa prangkisa ng ABS-CBN si Kabayan Rep. Ron Salo.

Facebook Comments