Pagsasara sa Tandang Sora flyover, hiniling na ipagpaliban muna

Hiniling ng Quezon City council sa Metropolitan Manila Development Authority (mmda) na ipagpaliban muna ang pagsasara ng Tandang Sora flyover.

Ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte, hindi sila kinunsulta ng DOTr, MMDA at EEI Corp., ang gumagawa ng MRT-7, sa gagawing pagsasara.

Sabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, bukas naman sila na isuspende ng isang linggo ang pagsasara ng Tandang Sora flyover.


Sa Sabado, Pebrero 23 ang itinakdang pagsasara ng Tandang Sora flyover para tibagin para magbigay-daan sa pagtatayo ng linya ng MRT-7 na tatagal ng dalawang taon o hanggang 2021.

Facebook Comments