Isa pang panukala na nagpapalawig sa validity ng 2021 budget, inihain sa Kamara

Isinusulong din ng isa pang kongresista ang panukala na layong palawigin ang validity o bisa ng 2021 national budget hanggang sa katapusan ng taong 2022.

Sa House Bill 10484 na inihain ni Paranaque City Rep. Joy Tambunting, pinaaamyendahan nito ang section 62 ng General Provisions ng Republic Act 11518 o General Appropriations Act of Fiscal 2021.

Palalawigin ang availability ng 2021 budget hanggang December 31, 2022 kung saan maaaring maipagpatuloy ang mga programa at proyekto.


Kung hindi magagastos, hindi na-obligate o hindi naipasok sa kontrata ang alokasyon sa 2021 budget hanggang December 31, 2021 ito ay otomatikong papasok ito sa national treasury.

Nauna nang naghain ng kaparehong panukala si House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap at ipinunto nito na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang release ng pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments