Isa pang panukala para sa pagtatayo ng evacuation centers sa bawat barangay, inihain sa Kamara

Isa pang panukalang batas ang inihain sa Kamara para sa pagtatayo ng “evacuation centers” sa bawat barangay sa buong bansa.

Tinukoy sa House Bill 10472 na inihain ni South Cotabato Rep. Shirlyn Nograles, ang kahalagahan ng evacuation centers sa mga barangay bilang “first responder” sa mga dapat na ilikas tuwing may emergency tulad ng sunog, bagyo o malakas na pag-ulan, pagsabog ng bulkan at pagsulpot ng mga sakit gaya ng COVID-19.

Sa oras na maging ganap na batas, itatayo ang evacuation center sa bawat barangay, o kung may available namang istruktura ay maaari itong i-upgrade basta’t makakasunod sa mga requirements o patakaran.


Ang bawat evacuation center ay may “sleeping quarters” at iba pang amenities, at sapat na supply ng tubig.

Kailangan ring makatutugon ang evacuation center sa pangangailangan ng mga kababaihan, matatanda at mga may kapansanan.

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mangunguna sa implementasyon nito.

Facebook Comments