Isa pang petisyong kontra sa kandidatura ni Bongbong Marcos sa 2022 elections, inihain sa Comelec

Isa pang petisyong kumokontra sa pagtakbo sa pagkapangulo ni dating Senator Bongbong Marcos sa 2022 elections ang inihain sa Commission on Elections (Comelec).

Pinangunahan ito ng grupong Campaign Against the Return of the Marcoses (CARMA).

Ayon kay CARMA, taliwas sa sinabi ni Marcos na political propaganda lang ang gawain, nananatiling pa ring basehan para sa disqualification ni Marcos na tumakbo sa public office ang tax conviction niya noong 1995.


Ito ay kahit ano pa ang apela o desisyon sa Court of Appeal.

Nitong nakaraang linggo, naglabas na ng summons ang Comelec para pasagutin si Bongbong.

Mayroong itong limang araw para magsumite ng kaniyang sagot.

Facebook Comments