Isa na namang tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang binawian ng buhay matapos na maging infected ng COVID-19.
Batay sa ulat ng PNP Health Service, ang nasawing PNP personnel ay non-uniformed personnel, lalaki, 62-taong gulang, at nakatalaga sa National Capital Region – Crime Investigation and Detection Group (NCR-CIDG).
Namatay ito habang ginagamot sa Makati Medical Center.
Sa kabuuan, nakapagtala na ang PNP Health Service ng 26 na nasawi dahil sa COVID-19 sa hanay ng PNP.
Habang may panibagong 20 PNP personnel ang nagpositibo sa COVID-19 kaya umabot na sa 7,892 ang COVID cases sa PNP.
Pero may siyam na tauhan naman ng PNP ang naitalang gumaling kahapon matapos maging infected ng COVID-19.
Sa ngayon, mayroon nang 7,470 recoveries sa hanay ng PNP.