Isa pang pulis, namatay dahil sa COVID-19

Nadagdagan pa ng isa ang bilang ng mga pulis na nasawi matapos na maging infected ng COVID-19.

Batay sa ulat ng Health Service ng Philippine National Police (PNP), umabot na sa 18 ang namatay na pulis dahil sa virus.

Ito ay isang 54-anyos na lalaking Police Commissioned Officer na nakatalaga sa Regional Maritime Unit 10 na nasawi nitong October 5, 2020.


Bukod sa panibagong namatay, nadagdagan din ng panibagong 32 PNP personnel ang positive sa COVID-19 kaya umaabot na sa 6,227 ang positive cases sa PNP, 969 dito ay active cases.

13 sa panibagong kaso ng COVID-19 ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), anim (6) sa PNP Bicol Region, lima (5) sa Central Luzon, apat (4) sa PNP CALABARZON, dalawa (2) sa National Operation Support Unit at tig-isa sa PNP Cordillera at PNP Northern Mindanao.

Pero magandang balita dahil hanggang kahapon ayon pa sa PNP health service 121 ang bagong recoveries o mga gumaling sa virus.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang 5,240 ang recoveries sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments