Tragic movie na pinagbibidahan nina Charo Santos at Daniel Padilla, ipapalabas sa Toronto International Film Festival

57

Magkakaroon ng North American premiere sa Toronto International Film Festival (TIFF) ang Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine), na isang tragic movie na pinagbibidahan nina Charo Santos at Daniel Padilla.

Ipapalabas ito sa ilalim ng festival’s Contemporary World Cinema section at nasa lineup din ng produksyon sa Pilipinas.


Magaganap ang festival mula sa August 4 hanggang 14, 2021.

Ang Kun Maupay Man It Panahon ay tungkol sa kalagayan ng isang ina at anak nito matapos ang Super Typhoon Yolanda.

Maliban sa festival, joint project din ang palabas ng iba’t ibang cinema channel sa Pilipinas at may international partner studios mula sa France, Singapore, Indonesia at Germany.

Facebook Comments