Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19.
Sa ulat ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, tatlong pulis na ang positibo sa COVID-19.
Huling naitala, aniyang, miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nagpositive sa virus ang isang 35 taong gulang na pulis na taga-Pasay City.
Sa ulat ng PNP Health Service ngayong araw kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na positibo ang pulis sa COVID-19.
Samantala, isang pulis naman ikinokonsiderang person under monitoring (PUM) ang nasawi na matapos namang ma cardiac arrest.
Kinumpirma ito ng PNP Health Service pero una na itong na expose sa COVID-19 positive person at naka-self quarantine na ng isang linggo.
Batay pa sa huling datos ng PNP may 21 police commissioned officers at 72 police non-commissioned officers ang itinuturing ngayong person under investigation (PUIs) habang 1,228 naman ang PUMs.